Rep. Leandro Leviste, humiling ng ₱110M danyos sa reklamong libel laban kay Usec. Claire Castro


 


Inakusahan ni Batangas 1st district Rep. Leandro Leviste ang Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro dahil sa umano'y libelous statements kaugnay ng pahayag nito sa prangkisa laban sa congressman, ika-16 ng Enero.

Ipinaliwanag ni Rep. Leviste sa isang interview ng GMA news, kung bakit civil at hindi criminal ang isinampa nitong libel complaint laban kay PCO Usec. Castro.

Aniya, “Hindi ko po siya kinakasuhan ng kriminal kahit na sabi ng aking abogado, mananalo kami rito. Ayaw ko pong makulong si Usec. Claire Castro. Nais ko lang linawin na hindi totoo ang kaniyang mga pahayag.”

Dagdag pa nito, hindi niya binenta ang prangkisa dahil wala siyang kompanyang may prangkisa sapagkat ang binenta lamang nito ay kompanyang walang prangkisa.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Usec. Castro ang pagsasampa sa kaniya ng libel case ni Rep. Leviste dahil batay sa kaniyang naging panayam sa GMA Integrated News sinabi nitong wala pa raw siyang natatanggap na kopya tungkol sa kasong isinampa sa kaniya ni Leviste.

Ani Usec. Castro, “Wala pa akong natatanggap na kopya. Kung anuman ang aking isasagot ngayon ay base sa kaniyang mga interviews.”

Paglilinaw ni Castro na ang naging ugat daw ng pagsasampa ng kaso ni Leviste dahil sa pagpapaliwanag niya sa pagbebenta at paglipat ng franchise ng mambabatas sa kaniyang kompanya.

Isinulat ni Diosamae Felipe

Comments