Sinuspinde ng Kamara si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ng 60 araw dahil sa umano'y disorderly behavior.
Ito ay matapos mapatunayan ng House Committee of Ethics na lumabag si Barzaga sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Emloyee.
Inaprubahan sa plenaryo ang 60 araw na suspensiyon kung saan 249 ang bumotong pabor, lima ang tumutol, at 11 ang hindi bumoto o umiwas sa pagpapasiya.
Ayon sa House Committee on Ethics, hindi makakatanggap si Barzaga ng sahod at allowances sa loob ng 60 araw na suspensiyon.
Dagdag pa rito, inatasan si Barzaga na tanggalin ang 24 social media posts na itinuturing na nakakasira sa dignidad ng Kamara sa loob ng 24 na oras.
Bagama’t tinanggap ng mambabatas ang hatol ng House Committee on Ethics, nanindigan pa rin siya sa kaniyang pananaw sa mga social media posts.
"I wholeheartedly accept the decision of the committee. But I maintain my stance that Pres. Marcos must be held accountable," ani Barzaga.

Comments
Post a Comment