Skip to main content
Most Rev. David William V. Antonio umupo na bilang Arsobispo ng Nueva Segovia; Diocese ng Ilagan, idineklarang Sede Vecante
Idineklarang Sede Vecante ang Diocese ng Ilagan matapos itinalaga bilang Arsobispo ng Nueva Segovia si Most Rev. David William V. Antonio, D.D., S.Th.D., nitong Enero 14, Miyerkules.
Kaya naman, pansamantalang magiging bakante ang puwesto ng Obispo ng Diocese ng Ilagan.
Itinuturing naman ito ng Diocese ng Ilagan bilang bagong yugto para sa Archdiocese ng Nueva Segovia habang hinihintay naman nila ang pagtatalaga sa bagong pastol.
Pormal na tinanggap ni Most Rev. Antonio ang canonical possession para umupo bilang Ikawalong Metropolitan Archbishop ng Nueva Segovia sa seremonya na ginanap sa Minor Basilica of Our Lady of the Assumptions.
Matatandaang pinili ni Pope Leo XIV si Most Rev.David bilang bagong Arsobispo ng Nueva Segovia noong Nobyembre 2025.
Isinulat ni Shermel Sagadraca
Comments
Post a Comment